★ ISM - UK
~ bahasa indonesia ~ english ~ español ~ français ~ nederlands ~ português ~
Pandaigdigang Kilos Protesta
Para sa Libreng Edukasyon
Ika-17 hanggang 23 ng Nob. 2013
Nananawagan kami para sa Pandaigdigang Kilos Protesta para sa Libreng Edukasyon. And International Student Movement (ISM) ay isang platapormang binubuo ng mga indibidwal at mga kolektiba mula sa iba't ibang bahagi ng mundo. Isang lupon ng mga mag-aaral na nakaugnay sa ISM ay nagtipon upang magpulong at nagpasiyang magsagawa ng magkakasabay na mga pandaigdigang pagkilos. Tayo ay samasamang MAGKAKAISA dahil kahit saanpaman tayo nakatira, tayo ay humaharap tayo sa parehong pakikipaglaban sa estado, sa interes sa tubo at sa kanilang kontrol sa edukasyon. Ang patuloy na pagtaas ng matrikula, pagkaltas sa badyet, outsourcing, pagsasara ng mga paaralan, at ng iba pang mga penomena ay magkakakawil sa walang humpay na komersyalisasyon at pagsasapribado ng edukasyon. Sa pamamagitan lamang ng samasamang pagkilos sa iba't ibang sulok ng mundo tayo ay mananaig sa ganitong mga balakid at maitakda ang libre at mapagpalayang edukasyon para sa lahat.
Nakikibaka tayong lahat laban sa pagkaltas sa edukasyon. Karamihan sa atin ay lubog na sa utang. Dahil sa mga pansariling palagay upang "mamuhunan para sa kinabukasan" ang mga pamamaraang ito ay nangangailangan ng bayad-utang sa pamamagitan ng pagbebenta ng lakas-paggawa. Ang patuloy na panggigipit upang gumanap ay nakasusuya at ang mga panunupil sa edukasyon, lalo na ang patuloy na pagtataas ng matrikula, ay mapanlupig at dapat gapiin!
Ang bawat isa ay nararapat lamang mabigyan ng sapat na akses sa edukasyon anupaman ang kanilang katayuan sa lipunan. Apektado tayo lahat ng pag-igting na komodifikasyon at komersyalisasyon ng edukasyon. Matingkad na naisasalarawan ng mga sintomas na humahampas sa atin, sa mga paaralan at pamantasang sinasawata at ng higit pang pagpapataw ng herarkikal na kaayusan. Pinadadali ng mga gobyerno sa iba't ibang bahagi ng mundo ang pagsasamerkado ng edukasyon at ang kumpetisyon sa pagitan ng mga institusyon, sabay sa pagsasapribado ng iba pang mga batayang serbisyong panlipunan tulad ng kalusugan.
Inuuna ng kasalukuyang sistema ng edukasyon at mga pamahalaang estado ang kita bagupaman ang papapaunlad ng kakayahan sa mapagpalayang pag-iisip. Kapwa nangangailangan ng sunud-sunurang mamamayan, mamimili at murang paggawa, di malayang mga indibidwal na nagsasarili ng pamumuhay. Hinahadlangan ng mga pangyayaring ito ang pagtamo ng libreng edukasyon hatid ng isang kapaligirang pinasisigla ang mga tao sa pag-unlad ng kritikal na pag-iisip.
Sa kabilang banda, ang umiiral na sistema na hinubog ng estado at burukrata kapitalismo, ay tinuturuan tayo sa loob lamang ng mga hangganang pinataw ng kasalukuyang kapitalistang paradaym.
Bunga nito, ang sistema ng edukasyon ay nananatiling pagsasanay ng pabrika sa layong maglika ng pantaong kapital para sa ekonomiya ng paggawa pati na rin ang pangangalakal ng dunong. Upang isangkot at patigilin ang ganitong moda sa paggawa, nananawagan kami ng pagsasara ng mga pamantasan sa buong daigdig sa gagawing kilos protesta.
