Pandaigdigang Kilos Protesta para sa Edukasyon.

~ 中文 ~ deutsch ~ english ~ español ~ français ~ ελληνικά ~ 日本語 ~

Pandaigdigang Kilos Protesta
para sa Edukasyon

Ika-18 ng Okt. & ika-14 hanggang 21 ng Nob. 2012

Nananawagan kami ng isang Pandaigdigang Kilos Protesta para sa Edukasyon. Ito ang unang pagkakataon na may mailunsad nang magkakasabay sa isang pagkilos para sa edukasyon sa buong mundo. Kami ay nakikiisa dahil kahit saan pa man tayo nakatira, humaharap tayo sa parehas na pakikibaka. Pagtataas ng mga tuition fee, pagkaltas sa badyet, pag-aawtsors, pagsasara ng iba’t-ibang paaralan, pati na ang mga pangyayaring maiuugnay sa walang habas na pagtaas ng komersyalisasyon at pagsasapribado ng edukasyon. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos lamang natin mapatagumpayan ang mga ito at makapaghahain ng mapagpalayang edukasyon para sa lahat.

Tayo ay nagpupunyagi laban sa pagbibitin ng edukasyon. Karamihan sa atin ay nalulunod sa mga bayarin. Ang mga panggigipit para makakuha ng grado at paghihigpit sa pamamagitan ng paglobo ng matrikula at iba pang bayarin, ay talagang nakakapagngalit! Ang bawat tao'y dapat magkaroon ng akses sa edukasyon anupaman ang kanilang kayamanan o katayuan sa lipunan. Tama na ang panghahapit upang timbangin ang lahat—kahit pa ang di matimbang. Sobra na ang paligsahan bilang pamantayan sa lahat ng bagay! Ito na ang panahon upang tayo ay kumilos nang magkabalikat – NAGKAISA!

Lahat tayo ay sinusupil sa pag-igting ng komodifikasyon at komersyalisasyon ng edukasyon. Matingkad na isinasalarawan ito ng mga sintomas na nakaaapekto sa atin, gaya ng mga mag-aaral sa paaralan at unibersidad na nalalayo sa kanilang karapatan. Ang pagbebenta ng edukasyon at kumpetisyon sa pagitan ng mga pamantasan ay pinagagana ng mga pamahalaan sa iba't ibang bahagi ng mundo.

Noong Hunyo 2012 nga lamang, naitala namin ang 45 kilos-protesta sa humigit 40 mga lungsod na maiuugnay sa laban para sa mapagpalayang edukasyon. Sa patuloy na pag-abandona ng mga pamahalaan sa mga pamantasan, madalas ginagamit nila ang kasalukuyang pang-ekonomiyang krisis bilang katwiran. Sinusulong nila ang wari'y mga solusyon gaya ng: paggagrado na nanghihimuok ng kompetisyon; pagpapasara ng mga paaralang "underperforming"; patuloy na pagtanggap ng mga mag-aaral bagaman 'di nagdaragdag ng mga kawani, staff, suplays pangmag-aaral; pag-a-outsource; pagkatig sa mga elitistang mga institusyon. Sa ganitong balangkas, itinutulak nito ang paglawig ng komodifikasyon at pagsasapribado ng edukasyon. Nagdudulot din ito ng negatibong mga kondisyon sa pagtuturo at karunungan.

Inuuna ng kasalukuyang sistema ng edukasyon at mga pamahalaang estado ang kita bagupaman ang papapaunlad ng kakayahan sa mapagpalayang pag-iisip. Kapwa nangangailangan ng sunud-sunurang mamamayan, mamimili at murang paggawa, di malayang mga indibidwal na nagsasarili ng pamumuhay.

Kinakasangkapan tayo upang manungkulan bilang ngipin ng makina ng kapitalista. Pinipintahan ang ating mga isipang makipagkumpetensya sa ating mga kasama sa lahat ng antas. Ang ating pagkamalikhain, enerhiya at ang ating malayang mga espiritu ay ,asugid na linalamukos ng mga institusyong pang-edukasyon.

Sa loob ng kapitalismo, ang sistema ng edukasyon ay nananatiling pagsasanay ng pabrika sa layong maglika ng pantaong kapital para sa ekonomiya ng paggawa pati na rin ang pangangalakal ng dunong. Upang isangkot at patigilin ang ganitong moda sa paggawa, nananawagan kami ng pagsasara ng mga pamantasan sa buong daigdig sa gagawing kilos protesta.

Bumalikwas! Sumali sa PANDAIGDIGANG PROTESTA PARA SA EDUKASYON.
Nagsisimula ang lahat ng katarungan sa kaalaman. Manindigan nang nakikiisa sa amin sa Oktubre at Nobyembre, at maririnig ng buong mundo ang ating sigaw Tubusin ang Edukasyon.

Lumiham sa kung gayong kinakatigan ninyo ang Panawagang Kumilos.
_____

Pangkalahatang Balangkas: Pandaigdigang Protesta sa Edukasyon:
  • Pandaigdigang Magkasanib na Pahayag: nabibilang rito kung ano ang ating linalabanan, ang ating pinaglalaban at kung bakit tayo nananawagan ng magkakatuwang na pahkilos sa Nobyembre.
  • Mga sagisag:

     

  • Islogan: RECLAIM EDUCATION #1world1struggle (pad)
Sapagkat edukasyon ang batayan ng kasarinlan ng indibidwal pati na rin ng lipunan, ang di lamang pakikibaka para sa mapagpalayang edukasyon ay di lang tungkulin ng mga mag-aaral, kundi ng mga magulang, mga manggagawa, mga guro - ng lahat!

Ika-18 ng Oktubre: Pandaigdigang Araw ng Pagkilos
Ika-14-21 ng Nobyembre: Pandaigdigang Welga

Tubusin ang Edukasyon! Tubusin ang ating mga Lugar! Tubusin ang ating mga Buhay!
Reclaim Education!  Reclaim Space!  Reclaim Our Lives!
#1world1struggle

_______
Para sa pinakahuling magkatuwang na mga pagsisikap ng Pandaigdigang Protesta sa Edukasyon at impormasyon kung paano makilahok sa internasyunal na antas, sumubaybay sa link.

Napagkasunduan ang panawagan ng pagkilos ng mga tao sa plataporma ng ISM na nakipag-ugnayan sa mga chat rooms, telepono at mga pagpupulong onlayn noong mga nakaraang buwan. Dapat pagaanin ng mga sagisag at islogan ang mabisang komunikasyon sa buong mundo.

Iniendorso ng mga sumusunod ang Panawagan sa Pagkilos:


AISA - All India Students' Association
New Delhi (India)



All in the Red;
activist collective in New York City (U.S.A.)

Education Union - Anarho-Sindikalistička Inicijativa (Serbia)


Asso CÉTASE - Eastern Asian Studies
University of Montreal (Quebec, Canada)




General Students' Committee;
University of Goettingen (Germany)


General Students' Committee;
University of Marburg (Germany)


CampusGreen - Federal Association of Green-Alternative Campus Groups (Germany)


CLASSE - Coalition Large de l'Association pour une Solidarité Syndicale Étudiante (Canada)
Besides endorsing the international joint staement CLASSE decided during its Congress on August 25th 2012 to invite its members to take a position on their participation in the Global Education Strike.
This proposal was brought forward by the members and passed unanimously.

نادي الوعي الطلابي Club Conscience Estudiantine;
Faculté des Sciences Aïn Chock Casablanca (Morocco)


free association of general students' committees (Germany)


MELF - Mouvement des Étudiants et Lycéens Français (France)



Progressive Democratic Students' Federation;
West Bengal (India)



Swaziland National Union of Students (SNUS)

...

Lumiham sa kung gayong kinakatigan ninyo ang Panawagang Kumilos.